COVID-19 UPDATES
167 suspected cases ng COVID-19, sumalang sa localized mass testing sa QC
Sumalang sa localized mass testing kahapon, Abril 13 ang 167 suspected cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID- 19) sa Quezon City.
Ayon kay Project Manager Joseph Juico na siyang nanguna sa testing, 65 katao ang sumalang sa test sa Quezon Memorial Circle.
6 ang sumalang sa Novaliches District Hospital, 56 sa Quezon City General Hospital, habang 40 ang nasuri ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) sa kanilang house-to-house tracing.
Aabutin pa ng 3-5 araw ang kailangan para malaman ang resulta ng COVID- 19 testing.
Lahat ng mga nasuri ay inirekomendang manatili sa quarantine facility ng Quezon City Government o kung hindi naman ay sasailalim sa self- quarantine sa bahay.