Connect with us

17 monitoring teams, binuo ng DSWD para mangasiwa sa Social Amelioration Program

17 monitoring teams, binuo ng DSWD para mangasiwa sa Social Amelioration Program.

COVID-19 UPDATES

17 monitoring teams, binuo ng DSWD para mangasiwa sa Social Amelioration Program

Nagtatag ng 17 monitoring teams ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang mangangasiwa para sa implementasyon ng unang bahagi ng Social Amelioration Program.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hiniling ng Inter-Angency Task Force (I-ATF) sa Landbank na magbukas ng kanilang tanggapan tuwing Sabado o weekends upang mapabilis ang SAP implementation para sa 17 lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR).

Nagbigay naman ng update ang DSWD sa ini-release na mga subsidiya sa ilalim ng Emergency Subsidy Program.

Inireport ng DSWD na minadali na rin ng kanilang NCR Field Office ang pag-isyu ng mga tseke sa buwan ng Abril sa mga LGUs ng Metro Manila na naka-kumpleto na ng kanilang mga requirements.

Noong April 3, nasimulan na ng Parañaque LGU ang distribusyon para sa ayuda ng mga pamilya habang inumpisahan na rin ng Maynila ang implementasyon nitong Lunes.

DILG, tiniyak ang revalidation ng listahan ng beneficiaries ng Social Amelioration Program

Tinitiyak na ng Department of Interior and Local Government ang listahan ng mga beneficiaries ng Social Amelioration Program sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.

Ito’y matapos maiulat na nagkakagulo ang mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda dahil sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang nasasaklaw sa nasabing ayuda.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay DILG Undersecretary Martin Diño, marami pang hindi nakakatanggap ng financial aid subalit nakapaglabas na ng malaking porsyento ng pondo mula sa programa.

“Ngayon pinalinis ni DSWD Sec. Bautista yan, kaya nga nagkaroon ng joint project ang DILG yung listahan na tree, kaya yan po yung mga ano. At isa pang pinagkukuhanan daw eh yung census noong last 2015. Eh meron na tayong eleksyon noong 2017.”

Mas mainam umano na ikumpara muna ng ahensya ang listahan nito sa bawat barangay dahil ito naman ang may mas kumpletong tala ng lahat ng mga residente.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top