National News
Nasa 3,600-K Police Assistance Desks (PADs), inilatag ng Philippine National Police para sa Balik Eskwela
Humigit kumulang sa 3,600 Public Assistance Desks (PADs) ang inilatag ng Philippine National Police (PNP) para sa pagbabalik eskwela ngayong taon
Ang mga nasabing assistance desk ay magsisilbing takbuhan ng publiko lalo na ng mga mag-aaral sa oras ng pangangailangan o’ emergency.
Katuwang dito ng pulisya ang mga force multiplier at security personnel ng bawat paaralan para maiwasan ang posibleng krimen sa loob at labas ng paaralan.
Batay sa impormasyon magbubukas ang mga paaralang ito na una nang naapektuhan ng matinding kalamidad noong nakaraang linggo.