International News
19 na Syrian soldiers, patay sa drone strikes ng Turkish
Patay ang nasa 19 na Syrian soldiers sa isinagawang drone strikes ng Turkish sa Idlib Province.
Pinabagsak ng Turkish military ang 2 Syrian government fighter jets nitong linggo.
Naganap ito ilang oras matapos kumpirmahin ni Syrian President Bashar Al-Assad ang pagpapabagsak sa Turkish drone sa naturang rehiyon.
Sa isang twitter post, kinumpirma ng Turkey’s Defense Ministry ang pagpapabagsak sa dalawang SU-24 Aircraft bilang ganti sa pagpapabagsak sa kanilang drone.
Magugunita namang una ng nagbabala ang Russia na kaalyado ng Syrian government na hindi nito maipapangako ang kaligtasan ng Turkish aircraft sa airspace ng Syria.