Connect with us

19 sasakyan sa NAIA-3 parking extension, nasunog

19 sasakyan sa NAIA-3 parking extension, nasunog

Metro News

19 sasakyan sa NAIA-3 parking extension, nasunog

Ala 1:28 ng hapon ng Lunes, ika-22 ng Abril, nang makatanggap ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng ulat ng sunog sa parking extension area ng Terminal 3.

Habang idineklara ng MIAA Rescue and Firefighting Division ang fire out sa 1:57 PM.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Jose Ines, na hindi pa rin tukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog ngunit bago mangyari ang insidente ay kapansin pansin na sobrang tuyo ang mga damo sa lugar.

Nagsasagawa pa rin ng mopping operations ang MIAA Rescue and Firefighting Division at inaalam ang tunay na dahilan ng insidente.

Dagdag pa ni GM Ines, Inaalam pa kung sino-sino rin ang may-ari ng mga sasakyan pero isa doon ay   pag-aari ng kanilang empleyado.

Paglilinaw din ng opisyal hindi MIAA kundi ang Philippine Skylanders International (PSI) nagmamay-ari sa naturang parking lot.

Sinabi din ni Ines na ayon mismo sa PSI, pananagutan nito ang mga nasunog na sasakyan

Ang PSI o itong mismong pag-aari ng parking lot ay nanalo sa bidding noong 2019.

Ang area ay may 34,000 sqm bilang mix use commercial building at parking lot.

Pero sa ngayon hindi pa ito opisyal na nag-ooperate dahil sa kakulangan ng kanilang mga dokumento.

Walang nasugatan at walang nasawi sa insidente.

Hindi rin apektado ng insidente ang flight operations sa 4 NAIA Terminals.

More in Metro News

Latest News

To Top