National News
1M doses ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas, dumating na
Pasado alas 7:00 ng umaga ng lumapag ang cebu Pacific flight 5J 723 kung saan sakay ang 1 milyong doses ng Sinovac vaccines na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal -3.
Sumalubong sa naturang bakuna ay sina Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Department of Health at National Task Force against COVID -19
Ayon kay Duque, ibabahagi ang naturang bakuna sa Metro Manila at sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID -19.
Tiniyak din ni Sec.Duque na kakayanin naman ang hinihingi ng mga LGU sa Metro Manila na 4 Milyong doses ng bakuna kontra COVID -19 na alokasyon sakaling mag patupad ng Enhanced Community Quarantine
Sa bilang na ito, umabot na sa 18 – M doses ng bakuna ang dumating na sa Pilipinas.
Sa Aug. 3 naman muli ang susunod na bakunang darating na 3M doses ng Moderna.
