Connect with us

1st Global Workers’ Camp ng KOJC, naging matagumpay

1st Global Workers' Camp ng KOJC, naging matagumpay

Kingdom News

1st Global Workers’ Camp ng KOJC, naging matagumpay

Walang makakahadlang para sa missionaries at members ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ipagdiwang ang ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bansang Kaharian na pinangungunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito’y sa kabila ng dalawang linggo ng marahas na pag-atake at pagkubkob ng kapulisan sa KOJC religious compound.

Kasabay pa nga ng selebrasyong idinaos ay ang 2024 Global Workers’ Camp kung saan nagsama-sama ang mga missionary worker hindi lang mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Nagsimula ang selebrasyon sa isang makulay na parada ng mga missionary worker sa palibot ng King Dome, ang pinakamalaking indoor cathedral sa buong mundo.

Makikita sa bawat misyonaryo ang isang matamis na ngiti habang dala-dala ang kumukutitap na improvised torch.

May be an image of one or more people, lighting and crowd

Sa powerdance competition, unang nagtagisan ng galing sa pagsayaw ang anim na teams na Conquerors, Defenders, Warriors, Vanquishers, Victors, at Protectors.

No photo description available.

May be an image of one or more people, clarinet and text

May be an image of 8 people, trumpet and clarinet

May be an image of 2 people

May be an image of 6 people and text

 

Sa sporting events naman at indoor games, hindi rin nagpahuli ang bawat koponan.

 

May be an image of 5 people and people playing volleyball

May be an image of 7 people, people playing volleyball, people playing basketball, basketball jersey and textPagdating sa Bible games, hindi nag-atubili ang mga kalahok na ipinakita ang kanilang mga natutunang aral mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Syempre, hindi rin mawawala ang isa sa mga inaabangang events ng Global Workers’ Camp, ang MusicFest kung saan ipinamalas ng bawat team ang kahusayan nila sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento.

Nagtapos ang Global Workers’ Camp sa paggawad ng parangal sa mga nanalong grupo sa iba’t ibang kompetisyon.

Tunay ngang hindi nawawala sa puso at isip ng bawat misyonaryo ang mga salitang ipinangaral ni Pastor ACQ na kahit sa kalagitnaan ng mga kapagsubukan ay nananatili pa rin ang pag-ibig, pagkakaisa, at malakas na pananampalataya na susi para magwagi ang kabutihan laban sa kasamaan.

More in Kingdom News

Latest News

To Top