Regional
2 barangay sa Naga City, kumpirmadong may African Swine Fever
2 barangay sa Naga City sa Camarines Sur ang apektado ng African Swine Fever (ASF).
kinumpirma ni Naga City Mayor Nelson Legacion na positibo sa ASF ang mga barangay Pacol at Cararayan.
Sinabi ni Legacion na sisimulan ang depopulation sa mga baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius mamayang gabi.
Una nang isinailalim sa 7-kilometer surveillance zones ng provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang ilang barangay sa 9 na bayan sa Camarines Sur laban sa ASF.
