Connect with us

2 Chinese at 3 Pilipino, arestado sa trafficking; 10 biktima, nasagip sa Pangasinan

2 Chinese at 3 Pilipino, arestado sa trafficking; 10 biktima, nasagip sa Pangasinan

National News

2 Chinese at 3 Pilipino, arestado sa trafficking; 10 biktima, nasagip sa Pangasinan

10 biktima ng human trafficking, kabilang ang 9 na menor de edad, ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang operasyon sa Sual, Pangasinan.

Kasama sa operasyon ang pagkakaaresto ng 2 Chinese national at 3 Pilipino, na sangkot umano sa ilegal na aktibidad.

Noong Mayo 1, 2025, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng NBI-Cybercrime Division at NBI-Special Task Force ang isang compound sa Barangay Baquioen, Sual, Pangasinan.

Ito ay base sa isang intelligence report laban sa isang Chinese national na umano’y nagpapagamit ng menor de edad at undocumented workers.

Ayon sa imbestigasyon, karamihan sa mga biktima ay mula sa Northern Samar at sapilitang pinagtatrabaho sa delikadong kalagayan kabilang ang pagbubuhat ng fish feed at pangangalaga ng mga offshore cage sa Lingayen Gulf.

Ikinuwento ng mga biktima ang umano’y pananakot gamit ang baril at pagkakabaon sa utang o debt bondage.

Nadiskubre rin na ang 2 menor de edad na biktima ay buntis, habang ang kanilang mga kinakasama ay nasa edad 22 at 23 na maaaring pagmulan ng kasong statutory rape.

Inamin ng mga manggagawa sa compound na sila ay kumikilos batay sa utos ng 2 Chinese na siyang aktwal na namamahala sa operasyon.

Natuklasan ding ang mga fish pen ay pag-aari ng mga banyaga, at walang sapat na regulasyon, na nagdudulot ng matinding panganib sa kalikasan at mga pampublikong pasilidad.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga naaresto, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI upang masampahan ng kaukulang kaso ang iba pang posibleng sangkot.

More in National News

Latest News

To Top