Connect with us

2 Chinese na biktima ng pananakit sa POGO hub sa Pampanga, nagsampa na ng reklamo sa DOJ

2 Chinese na biktima ng pananakit sa POGO hub sa Pampanga, nagsampa na ng reklamo sa DOJ

Regional

2 Chinese na biktima ng pananakit sa POGO hub sa Pampanga, nagsampa na ng reklamo sa DOJ

Tuluyan nang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang 2 Chinese national na biktima sa illegal na aktibidad sa Lucky South 99 Outsourcing Inc. na isang hinihinalaang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay DOJ Prosecutor Darwin Canete, human trafficking, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention at robbery ang patong patong na reklamo na isinampa ng mga complainant laban sa 2 respondents na mga Chinese nationals din.

Ang naturang respondents ay sina Qin Ren Gou at Jiang Shi Guang na kasalukuyang nasa detention facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa ngayon ay hindi pa ibinibigay ang identity ng dalawang biktima dahil sa natatanggap nilang death threat.

“We are mindful the fact that the accused, the persons associated may seek to either reach out to them trhrough death threats or thru relatives in China since the complainants are Chinese nationals,” saad ni Canete.

Aniya pa, pwersahang pinagtrabaho ang mga biktima sa POGO HUB at sinaktan kung saan ang isang biktima ay ipinosas pa sa bed frame at ini-lock sa kwarto sa loob ng ilang araw.

Ang mga respondents ay kasalukuyan ng naka-detain at maaring maipatawag para sa pagdinig ng DOJ.

More in Regional

Latest News

To Top