Connect with us

2 Chinese, nakatakdang sampahan ng reklamo sa DOJ

2 Chinese, nakatakdang sampahan ng reklamo sa DOJ

National News

2 Chinese, nakatakdang sampahan ng reklamo sa DOJ

Isinasapinal na ng Department of Justice (DOJ) ang isasampang patung-patung na mga reklamo laban sa 2 Chinese nationals na bumugbog at nagkulong sa ilang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Porac, Pampanga.

Kahapon sana isasampa ang reklamo pero ipinagpaliban muna para maisaayos pa ang ilang mga dokumento at mga ebidensya.

Mga reklamong human trafficking, robbery with violence, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention ang ilan sa mga ihahaing reklamo laban sa mga respondents.

Magugunitang nasagip ang mga empleyado kasabay ng raid sa luckysouth 99 sa Porac, Pampanga at duon nakita at nasagip ng mga otoridad na nakaposas sa bed frame at may mga bugbog at sugat sa katawan at mukha ang 1 sa mga biktima.

More in National News

Latest News

To Top