Connect with us

2 Chinese national, arestado matapos mahulihan ng P2-B halaga ng shabu

2 Chinese national, arestado matapos mahulihan ng P2-B halaga ng shabu

Metro News

2 Chinese national, arestado matapos mahulihan ng P2-B halaga ng shabu

Dalawang Chinese national ang inaresto sa magkahiwalay na anti-drug operation ng PDEA at PNP, Sabado ng umaga, July 3.

Alas-10 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad sa bahagi ng Banawe, Quezon City ang isang buy-bust operation laban sa isang chinese national na kinilalang si Jia Zhu.

Nakuha mula sa suspek ang nasa 40 kilo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P276-M.

Samantala, nahuli naman ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP ang isa pang chinese national sa anti-drug operation sa mismong bahay ng suspek sa Dasmariñas, Cavite alas-11:30 ng Sabado ng umaga.

Kinilala nga mga operatiba ang suspek na si Hai Lin, Chinese national 41 anyos, taga Blk 19, Lot 13, Phase 3, Fullana St. Cor. Soriano St., Avida Residences Santa Catalina, Molino-Paliparan rd. Dasmariñas, Cavite.

Nakuha mula sa suspek ang nasa humigit kumulang 260 kilo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P1.768-B.

Kapansin-pansin naman ang pagkakahawig ng packaging ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa dalawa.

Kasong paglabag sa Art. II ng RA 9165 ang kakaharapin ng dalawang suspek.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top