Metro News
2 dayuhan na umano’y tumalon sa isang hotel, natagpuang patay sa Makati City
Natagpuang nakabulagta at wala nang buhay ang dalawang dayuhan sa tapat ng isang hotel sa Makati City.
Hindi pa matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng mga dayuhan na iniulat na umano’y tumalon mula sa i’m hotel sa Makati Avenue corner Kalayaan Avenue.
Gayunman, inaalam pa kung may foul play sa insidente.
Patuloy naman ang pagtatanong ng mga imbestigador sa mga tauhan ng hotel ukol sa insidente.
DZARNews
