Connect with us

2 delivery rider, arestado nang maghatid ng iligal na droga

Naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2 rider ng isang kilalang delivery company matapos tangkaing maghatid ng iligal na droga

National News

2 delivery rider, arestado nang maghatid ng iligal na droga

Naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2 rider ng isang kilalang delivery company matapos tangkaing maghatid ng iligal na droga sa 2 Returning Overseas Filipino (ROF) mula United Arab Emirates (UAE) na naka-quarantine sa isang isolation hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa spot report ng PCG Task Group Bantay Bayanihan, dumating ang unang rider na may dalang package na idineklara ng sender na mga damit at cellphone ang laman.

Pero nang inspeksyunin ng PCG at Bureau of Quarantine (BOQ) personnel, may nakitang plastik na may lamang hinihinalang “methamphetamine” o shabu sa likod ng cellphone cover.

Makalipas ang isa’t kalahating oras, isa pang rider ang dumating sa naturang isolation hotel kung saan nakuha naman dito ang isang plastik na may lamang ‘white crystalline substance’ na hinihinalang iligal na droga.

Napag-alamang inosente ang isang delivery rider habang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang isa pang rider na umaming pinsan ng ikalawang ROF.

Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP ang kasong isasampa sa 2 ROF at isang rider dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Panawagan ni Rear Admiral Rolando Lizor N. Punzalan, ang Commander ng PCG Task Force Bayanihan ROF, nawa ay makiisa ang lahat, lalo na ang mga kamag-anak ng mga naka-quarantine na ROF, sa pagsunod sa batas at pagtaguyod sa kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Huwag na nating ilagay sa balag ng alanganin ang kapakanan ng mga OFW at iba pang ROF sa mga quarantine facilities. Maliban sa nakokompromiso nito ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kaanak, maaari pa tayong makasuhan dahil sa paglabag sa batas. Kailangan namin ang inyong kooperasyon,” ani Rear Admiral Punzalan.

More in National News

Latest News

To Top