Connect with us

2 indibidwal, nasaktan sa sunog sa Pateros

2 indibidwal, nasaktan sa sunog sa Pateros

National News

2 indibidwal, nasaktan sa sunog sa Pateros

Dalawang lalake ang nasaktan sa naganap na sunog sa Pateros, Biyernes ng umaga, July 15, 202.

Alas 4:22 ng umaga nang maireport sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Alley 17, P. Rosales St. Brgy. Sta. Ana, Pateros, Metro Manila.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at pasado 6:00 am nang ideklara itong fire out.

Kinilala ng BFP ang mga nasaktan na sina Aris Pitok, 31 anyos, nagtamo ng 2nd degree burn o paso sa kanyang mga kamay, paa, binti at likod ng ulo at ang isa naman ay si Rosauro Habitan, 59 anyos, nagtamo rin ng 2nd degree burn sa mga kamay, paa at likod ng ulo.

Nasa humihit kumulang P130,000.00 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang dahilan ng insidente.

 

More in National News

Latest News

To Top