National News
2 kilo ng shabu, nasamsam sa Negros Occidental
Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency–Western Visayas nitong April 7, 2025 ang 2 kilo ng hinihinalaang shabu sa Bantayanon, Calatrava, Negros Occidental.
Nagkakahalaga ito ng P13.6-M mula sa isang drug mule.
Ayon sa PDEA-6, ang balot ng kontrabando ay kahalintulad ng mga naunang nakumpiskang items na naka-seal sa isang Chinese tea bag.
Sa pagkakataong ito, durian fruit naman ang naka-print sa packaging.
