Connect with us

2 labi ng OFW galing UAE at Italy, nakauwi na sa bansa

2 labi ng OFW galing UAE at Italy, nakauwi na sa bansa

National News

2 labi ng OFW galing UAE at Italy, nakauwi na sa bansa

Sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga labi ng Overseas Filipino worker (OFW) galing sa bansang Italy at United Arab Emirates (UAE).

Ang pagsalubong at asiste ng OWWA ay kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno.

Tinulungan din ng OWWA na ma-facilitate at ma-release ang labi ng mga kababayan para sila ay makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Bukod pa dito, naging busy ang OWWA Repatriation Team galing Terminal 1,2 at 3 sa mga dumating na distressed OFWs galing Jordan, Qatar, Bahrain, Jeddah, Dubai at Kuwait.

Kasama na dito ang isang OFW na galing Dammam, KSA na sinundo ng ambulansya at inihatid papuntang Iligan City, Isabela.

Kahapon din, isang OFW na may karamdaman ang inasikaso din ng OWWA galing Hong Kong ng OWWA Airport team. Siya ay inendorse na makauwi papuntang General Santos via Cebu Pacific Air.

Samantala, sa Terminal 1, 2 distressed OFW ang sinalubong naman ng ahensya mula Bahrain.

Matatandaan, noong nakaraang linggo nag-assist din ang OWWA Airport Repat Team sa  mga OFW na galing Singapore, Bahrain, Qatar ,KSA, Kuwait, UAE at Guam ,turkey at Hong Kong.

Sila ay sumailalim sa airport protocols at binigyan ng airport assistance ng OWWA Airport Team na naka-antabay sa mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan ng medical assistance.

More in National News

Latest News

To Top