Regional
2 lalaki, natagpuang patay at may duct tape sa ulo sa Laguna
2 lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa isang sementeryo sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna nitong Martes, April 1, 2025.
Nakita ng mga residente ang 2 na walang damit pang-itaas at nakahandusay sa lupa.
Napansin ring naka-duct tape ang mga ulo ng 2 biktima.
Hinala ng mga nakakakita, posibleng hindi sa lugar pinaslang ang 2 upang iligaw ang mga awtoridad sa gagawing imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng krimen at ano ang motibo ng pamamaslang.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng kaukulang imbestigasyon ang mga tauhan ng San Pedro City Police sa insidente.
