Connect with us

2 lider ng communist terrorist, sumuko sa Butuan City

2 lider ng communist terrorist, sumuko sa Butuan City

Regional

2 lider ng communist terrorist, sumuko sa Butuan City

Sumuko sa 402nd Infantry Brigade at Military Intelligence unit ang 2 lider ng communist terrorist sa Bancasi, Butuan City.

Ayon kay Major Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division, kinilala ang mga nagbalik-loob na sina Armando Rabanes alias Antoy/Dagat/Omar Ibarra at Marvin Hinampas Campos alias Manoy ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Si Ravanes ay kabilang sa high-value individual ng 4ID na may malapit na kaugnayan kay Jorge “Ka Oris” Madlos.

Isinuko rin nila ang isang M16 Rifle at isang AK47 Rifle.

Sinabi ni Major General Romeo Brawner Jr, commander ng 4ID at bagong talagang  commanding general ng Philippine Army, na ang pagsuko ni Ravanes ay mahalaga sa kanila tungo sa pagtalo sa communist terrorist sa Caraga.

Habang nagbalik-loob naman sa gobyerno ang 14 na miyembro ng makakaliwang grupo sa Davao Occidental, Davao del Norte at Bukidnon.

Ayon kay Captain Mark Anthony Tito, tagapagsalita ng 10th Infantry Division, kabilang sa sumuko ang 9 miyembro ng Far South Mindanao Region sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at 2 sa Talaingod, Davao del Norte.

Ibinaba rin nila sa militar ang ilang armas.

Habang nakuha ang apat na improvised explosive devices (IEDs) sa Dangcagan, Bukidnon.

Naaresto naman ang 3 communist terrorist matapos ang engkwentro sa San Fernando, Bukidnon.

Tiniyak ni Major General Ernesto Torres Jr., commander ng 10th Infantry Division na paiigtingin nila ang operasyon laban sa communist terrorist na gumugulo umano sa kapayapaan at kaunlaran sa buong Southern Mindanao.

More in Regional

Latest News

To Top