COVID-19 UPDATES
2 Los Angeles Lakers players na nagpositibo sa COVID-19, symptom-free na
Wala ng bakas ng anumang sintomas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang 2 manlalaro ng Los Angeles Lakers.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Lakers team matapos ang 2 linggo ng kumpirmahin ng koponan na 2 sa kanilang manlalaro ay nagpositibo sa naturang sakit.
Ayon pa sa pamunuan ng Lakers, matapos nilang makuha ang resulta ng COVID-19 test ng 2 manlalaro na hindi pinangalanan ay agad nilang isinailalim sa 14-days quarantine ang buong miyembro ng koponan.
Sa ngayon, nananatiling suspendido ang laro ng NBA dahil sa banta ng COVID-19.