Connect with us

2 LPA, magpapaulan sa Metro Manila at ibang parte ng bansa

National News

2 LPA, magpapaulan sa Metro Manila at ibang parte ng bansa

Makakaranas ng mga pag-ulan ang buong Metro Manila at ibang bahagi ng bansa dulot ng dalawang low-pressure areas (LPAs) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay nakakaapekto sa ITCZ na nasa may isandaan tatlumpu’t limang kilometro silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte habang ang isang LPA na apektado rin ng ITCZ ay nasa layong isandaan walumpu’t limang kilometro kanluran ng Dipolog City, Zamboanga Del Norte.

Apektado naman ng hanging amihan ang Northern Luzon.

Bukod sa Metro Manila, makakaranas din ng kalat-kalat na pag-ulan ang Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Maulan din sa Ilocos region, Cordillera Admi­nistrative region at Cagayan Valley dahil sa amihan samantalang makakaranas din ng pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.

Ang dalawang lpa ay hindi naman kinakikitaan na magiging ganap na bagyo.

Charlie Nosares | 

More in National News

Latest News

To Top