Connect with us

2 LPA, patuloy na binabantayan ng Pagasa; Luzon, uulanin

Low Pressure Area

National News

2 LPA, patuloy na binabantayan ng Pagasa; Luzon, uulanin

PATULOY pa ring binabantayan ng pagasa ang dalawang Low-Pressure Areas (LPA’s) na namataan sa Luzon.

Ayon sa Pagasa, namataan ang isa sa sama ng panahon sa layong 115 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Sinabi ni Weather Specialist Meno Mendoza na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ang LPA at magiging ganap na tropical cyclone.

Habang ang isa pang weather disturbance ay located sa 1,930 kilometro silangan ng Southern Luzon.

Samantala, monsoon rains ang iiral sa Cordillera Administrative Region at Central Luzon ngayong araw.

Magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, CALABARZON at Cagayan Valley.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms.

Bunsod naman ng masamang panahon, kinansela ang klase sa ilang probinsya sa Luzon.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top