Connect with us

2 miyembro ng komunistang grupo sa Maguindanao del Norte, nasawi sa engkwentro

2 miyembro ng komunistang grupo sa Maguindanao del Norte, nasawi sa engkwentro

National News

2 miyembro ng komunistang grupo sa Maguindanao del Norte, nasawi sa engkwentro

2 kasapi ng komunistang grupo ang nasawi makaraang makipagbarilan sa operating units ng 57th Infantry Batallion sa Barangay Salansang, Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon kay 57th IB Commander Lt. Col Guillermo Mabute Jr. nagsagawa ng military operations ang tropa ng pamahalaan ng makatanggap ng sumbong mula sa mga sibilyan hinggil sa extortion activity ng mga teroristang grupo sa nasabing lugar.

Katuwang ng 57th IB sa operasyon ang 37th IB, 71th  IB at iba pang operatiba ng militar laban sa 10 komunistang na nagresulta sa pagkasawi ng 2 kasapi nito sa Sitio Laman.

Ayon kay 603rd Brigade Commander BGen. Michael A. Santos, miyembro ng Executive Committee Sub-Regional Command-Daguma of Far South Mindanao Region ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Natagpuan sa lugar ang 1 5.56 mm, M16 rifle, Caliber 45 pistol, 1 granada, magasin , bala, subersibong dokumento, mga personal na gamit at iba pang war materials.

No description available.

More in National News

Latest News

To Top