Connect with us

2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “moonlighting” sa isang Chinese national, isinailalim na sa restrictive custody

2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa "moonlighting" sa isang Chinese national, isinailalim na sa restrictive custody

National News

2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “moonlighting” sa isang Chinese national, isinailalim na sa restrictive custody

Isinailalim na sa restrictive custody ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ang 2 tauhan nito na sangkot sa “moonlighting” matapos magsilbing bodyguard ng isang Chinese national.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ng prosecutor’s office ang pagpapalaya sa 2 SAF commando sa kulungan para bigyang daan ang imbestigasyon sa dalawa.

Ayon sa impormasyon, sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis dahil sa paglabag a kanilang sinumpaang tungkulin.

“So, habang dinidinig ‘yung kanilang kaso ay under restrictive custody sila pati na rin ‘yung ibang mga ni-relieve, ‘yung battalion commander, company commander and platoon leader and ‘yung kanilang first sergeant ay under restrictive custody at mahaharap sa administrative case,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Pero paglilinaw ng PNP, bibigyan pa rin ang mga pulis ng pagkakataong ilahad ang kanilang panig sa pamamagitan ng isusumite nilang counter-affidavit.

“Bibigyan ng pagkakataon ng magsumite ng counter affidavit itong mga inaresto natin para pabulaanan ‘yung mga sinasabing naging offense nila,” dagdag pa nito.

Magugunitang nabisto ang “raket” ng 2 SAF commando matapos magsuntukan sa isang kilalang subdivision sa Muntinlupa City noong Mayo 18.

Batay sa nakuhang impormasyon, tumatanggap din umano ng buwanang sahod na P40-K ang bawat isang bodyguard habang kalahati nito ang ibinibigay sa kanilang battalion commander na nag-apruba sa deployment.

Sa kasamaang palad, walang maipakitang dokumento ang 2 pulis bilang patunay ng official designation sa pagiging personal bodyguards ng POGO workers at mga opisyal nito.

Posible ring masilip sa imbestigasyon na may pinoprotektahang Chinese drug lord ang mga pulis matapos makalusot ang mga ito mula sa kanilang dapat na trabaho sa Zamboanga.

Pinaniniwalaan naman na hindi gagalaw ang mga ito kung walang alam ang mga superior ng 2 pulis.

Sa isang panayam kay PNP Chief Rommel Francisco Marbil, iginiit niyang hindi niya ikinatutuwa ang pangyayari dahil hindi lang aniya ito magdudulot ng away sa pagitan ng mga yunit ng PNP at maaaring gayahin ng ibang pulis ang nasabing iligal na aktibidad ng mga akusadong pulis sa pag aakalang tama ang kanilang ginagawa.

Lalo pat may kinalaman rito ang bayad o pera.

“Hindi ako natutuwa. These people should learn their lesson. They should not stay in the service. Hindi tama ‘yan especially in SAF. It creates ‘yung pag-aaway ng mga units eh. Akala nila tama ‘yung ginagawa nila and I don’t see any point and just to realize siyempre itong mga ito they give VIPs. Hindi naman libre ‘yan,” pahayag ni Chief, PNP, PGen. Rommel Francisco Marbil.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top