Connect with us

2 most wanted persons, arestado sa Bulacan

Nalambat ang dalawang pinaghahanap ng batas matapos ang isinagawang manhunt operations sa Angat, Bulacan.

National News

2 most wanted persons, arestado sa Bulacan

Nalambat ang 2 pinaghahanap ng batas matapos ang isinagawang manhunt operations sa Angat, Bulacan.

Sa ulat ni Police Colonel Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police, kinilala ang mga ito na sina Randy Cristobal, regional most wanted person ng Region 4A at Rolly Cristobal, top 1 most wanted person sa Cavite.

Sila ay nahaharap sa kasong murder matapos ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Carmona, Cavite.

Pinuri ni Police Brigadier General Matthew Baccay, regional director ng PRO 3 ang kanilang pulisya sa matagumpay na manhunt operations.

Patuloy aniya nilang paiigtingin ang operasyon laban sa mga pinaghahanap ng batas upang mapanagot sila sa nagawang krimen.

More in National News

Latest News

To Top