Connect with us

2 myembro ng BIFF, sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

2 myembro ng BIFF, sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

Regional

2 myembro ng BIFF, sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

Sumuko at nagbalik loob sa pamahalaan ang 2 miyembro Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Bungos Faction (BIFF-BF).

Ang 2 ay nagtungo sa mga sundalo na nagsasagawa ng military operation sa Datu Saudi Ampatuan at Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Pinuri naman ni LtGen. William Gonzales, Commander ng Western Mindanao Command (Westmincom), ang tropa ng 6th Mechanized Battalion dahil sa matagumpay na pagsuko ng mga dating tinaguriang violent extremists.

Kasabay ang pangako na matatanggap ng 2 sumuko at suporta at tulong mula sa pamahalaan. Kasamang isinuko ng mga ito ang isang Caliber 30 M1 Garand rifle na may 16 na rounds ng bala at isang Ultimax.

More in Regional

Latest News

To Top