National News
2 nasawi matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato kaninang umaga
Dalawa ang naitalang nasawi matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa tulunan, cotabato kaninang umaga.
Kinilala ang unang biktima na si Jessie Riel Parba, 15-anyos at grade 9 student sa Kasuga National High School Sa Magsaysay, Davao Del Sur.
Ayon sa mga otoridad, nasawi si Parba matapos mabagsakan ng hollow block habang nag-e-evacuate sa mas ligtas na lugar sa kasagsagan ng lindol.
Kinumpirma naman ng National Diasater Risk Reduction And Management Council (ndrrmc) na nasawi rin ang isang 66 anyos na lalaki na kinilalang si Nestor Narciso na mula Koronadal City, South Cotabato.
Ito ay matapos aniyang magtamo ng head trauma ang biktima nang mabagsakan ng guho.
Batay naman sa initial report ng Office of Civil Defense Region 12, tatlumpu ang sugatan sa Kidapawan City habang 13 ang injured sa M’lang, North Cotabato.
Sa ngayon ay nagdeploy na ang NDRRMC ng rapid damage assessment and needs analysis teams sa Koronadal City, South Cotabato at North Cotabato para alamin ang inabot ng pinsala ng lindol.