Connect with us

2 NPA, patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ang 58th Infantry Battalion sa Gingoog City, Misamis Oriental.

National News

2 NPA, patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ang 58th Infantry Battalion sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo nang makaharap ang pinaniniwalaang pinagsanib na elemento ng Platoon Falcon at SR SDG Eagles ng Sub-regional Committee 1 (SRC1) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Tumagal ng 20 minuto ang engkwentro sa pagitan ng militar at NPA.

Habang narekober sa lugar ang dalawang M16 rifle, isang Improvised Explosive Device (IED), mga cellphone at iba pang gamit.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing NPA.

More in National News

Latest News

To Top