National News
2 panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, naitala ng DOH
May dalawang panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ngayong araw ng Deparment of Health (DOH) ngayong araw sa isang press conference.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, ang panibagong naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay kinabibilangan ng isa 48 na lalakeng pinoy na may travel history sa Japan noong February 25.
Sa kasalukuyan ay stable naman ang kondisyon nito na inoobserbahan sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa.
“The 4th confirmed case is a 48-year-old male Filipino with travel history to Japan. The patient returned to the Philippines last February 25 and experienced chills and fever beginning March 3. The patient sought medical consultation at a hospital and samples were collected for testing. Results tested positive for COVID-19 on March 5,” ani Duque.
Habang ang isa namang panibagong COVID-19 case ay isang 62 anyos na lalakeng pinoy rin.
Wala itong walang travel history sa ibayong dagat ngunit laging bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa San Juan City.
May iniinda na rin itong hypertension at diabetes.
“The 5th confirmed case is a 62-year-old male Filipino with known hypertension and diabetes mellitus, who experienced cough with phlegm last February 25. The patient sought medical consultation at a hospital in Metro Manila last March 1 and was admitted with severe pneumonia. Specimen collected on March 4 tested positive for COVID-19 on March 5. He also has no known history of travel outside of the country,” saad pa ni Duque.
Ito ang naging kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na walang travel history sa ibang bansa.
Sa kabuoan ay nasa 5 na ang kumpirmadong naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Duque, natunton na ng DOH ang mga nakasalamuha ng 2 panibagong kaso ng COVD-19.
Nakuhanan na ng spicemens ang siyam na katao na nakasalamuha ng ika-apat na infected para masuri kung sila ay apektado ng virus.
Nasa mahigit 20 katao naman na nakasalamuha ng ika-limang biktima ng COVID-19 ang inoobserbahan na ng otoridad.
