Connect with us

2 persons of interest kaugnay sa pambobomba sa MSU, tinukoy ng PNP

2 persons of interest kaugnay sa pambobomba sa MSU, tinukoy ng PNP

National News

2 persons of interest kaugnay sa pambobomba sa MSU, tinukoy ng PNP

Wala nang sinasayang na panahon ngayon ang Philippine National Police (PNP) matapos ang insidente ng pambobomba sa loob ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City Linggo ng umaga Decemebr 3, 2023.

Sa katunayan, mayroon nang impormasyong hawak ngayon ang PNP sa mga pagkakakilanlan ng mga persons of interest na isinasangkot sa nasabing Marawi blast.

Ayon sa PNP, posibleng mga miyembro ng terrorist group ang mga nasa likod nito bagamat nakadepende pa anila ito sa mga makukuhang ebidensiya sa gitna ng isinasagawa nilang imbestigasyon.

Para naman mas mapagtibay pa ang mga impormasyong dumarating sa PNP, tuluy tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mabilis na pagkakaresolba ng insidente.

Una nang pinaghihinalaan na posibleng pagkakasangkot ng ilang dayuhang terorista bagamat wala pang kumpirmasyon ang pulisya ukol rito.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ng PNP na walang indikasyon na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa MSU.

Ayon sa PNP, 4 ang nasawi, 1 lalaki at 3 babae na pawang mga Kristiyano.

Iniimbestigahan ng pulisya ang lahat ng posibleng motibo at ang posibleng nasa likod ng pagsabog.

Bagama’t inako ng ISIS ang nangyaring pagsabog, nilinaw ni Fajardo na ibabase nila sa makukuhang ebidensya ang imbestigasyon.

More in National News

Latest News

To Top