National News
2 police generals, inaprubahan na ang promosyon ni PBBM
Aprubado na sa tanggapan ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang promosyon ng 2 pulis na may one-star rank general.
Pinangalanan ang mga ito na sina Police Brigadier General Restituto B. Arcangel, Director ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), at si Police Brigadier General Arnold Thomas C. Ibay, na kasalukuyang Director ng Manila Police District (MPD)
Ang promosyon ay base sa dedikasyon at exceptional leadership, at commitment nito sa pagtataguyod ng peace and order sa bansa.
Pinangunahan mismo ni PNP Chief Police General Benjamin C Acorda Jr, ang doning sa Camp Crame, Quezon City.
Personal na pinaalalahanan ng PNP Chief ang mga opisyal ng PNP sa bawat pag akyat nila sa posisyon ay isang panibagong responsibilidad sa pagpapatupad ng batas sa patas at responsableng pamamaraan.
