National News
2 police officers ng SJDM Police Jail, tinanggal kaugnay sa 8 presong nakatakas dito
Tinanggal sa kanilang pwesto ang 2 police officers ng San Jose Del Monte Police (SJDM) Station Jail sa Bulacan.
Kaugnay ito sa pagtakas ng walong detainees mula sa naturang piitan noong Linggo, June 2, 2024.
Sa ulat, 1 senior master sergeant at 1 master sergeant ang nasibak sa pwesto.
Magugunitang nakatakas ang 8 detainees ng SJDM Police Station Jail kasunod ang paglalagari sa metal bars ng kanilang palikuran.
Ang mga nakatakas ay pawang may kinahaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga at illegal possession of firearms.
