Connect with us

2 programa ng DZAR Sonshine Radio, kinilala at pinarangalan ng PCG

2 programa ng DZAR Sonshine Radio, kinilala at pinarangalan ng PCG

National News

2 programa ng DZAR Sonshine Radio, kinilala at pinarangalan ng PCG

Kinilala ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang naging kontribusyon sa komunidad ng 2 sa mga programa ng DZAR Sonshine Radio.

Ang nasabing mga programa na binigyan ng pagkilala ay ang MakiAlam at Sonshine Newsblast.

Araw ng Huwebes, ika-25 ng Abril, ginawa ng CGPAS ang Media Appreciation Day sa PCG National Headquarters, Port Area, Manila.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, malaki ang ginampanan na papel ng DZAR Sonshine Radio at ng buong SMNI dahil sa patas na pamamahayag.

Aniya sa pamamagitan ng patas na pagbabalita ay napanatili ng taong bayan ang tiwala nila para sa Philippine Coast Guard.

Ang programang MakiAlam ay isang commentary program na tumatalakay sa mga pangunahing isyu ng bansa habang ang Sonshine Newsblast naman ay isang straight news cast program na pawang umeere sa tanyag at pinagkakatiwalaang AM radio station na DZAR Sonshine Radio.

More in National News

Latest News

To Top