Connect with us

2 pulis, patay matapos bawian ng mga target sa Bulacan

2 pulis, patay matapos bawian ng mga target sa Bulacan

National News

2 pulis, patay matapos bawian ng mga target sa Bulacan

Agad na nasawi ang 1 pulis nang tamaan ng bala sa ulo sa isang engkwentro sa Sitio Tugatog, NIA road, Brgy Tambubong, alas-2 ng tanghali ng Sabado, March 8, 2025.

Habang ‘di rin nakaligtas ang 1 pang kasamahan nito dahil sa tama ng bala sa katawan nito kasunod ng ikinasa nitong buy-bust operations sa lugar.

Kinilala ang mga biktimang pulis na sina PSSG Dennis Cudiamat y Gomez, at PSSG Gian George Dela Cruz y Nicolas na kapwa naka-assign sa Bocaue Municipal Police.

Ayon sa imbestigasyon, biglang pinaputukan ang mga pulis ng ‘di pa nakikilalang mga suspek na dumiretso sa Pandi, Bulacan.

Napag-alamang tinangay rin ng mga suspek ang service firearms ng mga pulis habang patuloy ang follow up operation ng mga awtoridad.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top