Connect with us

2 suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Jose del Monte City, Bulacan, arestado na

arestado

Metro News

2 suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Jose del Monte City, Bulacan, arestado na

Arestado na ang dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina sa Carissa 2 homes, barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilson Cortes at Joselito Cortes.

Una nang nahuli sa isinasagawang follow-up operation ng mga pulis si Wilson sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Habang itinuro nito ang kasabwat na si Joselito na naaresto naman sa barangay San Manuel sa San Jose del Monte, Bulacan.

Pagnanakaw ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya sa krimen.

Kagabi ng natagpuang wala nang buhay ang mga biktima na sina; Anton Gabriel Casabuena, 8 taong gulang, Joaquin Mateo Casabuena, 4 na taong gulang, at kanilang ina na si Jaymee Casabuena Biding, 28 taong gulang dahil sa mga tinamong mga saksak sa katawan.

 

DZARNews

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top