Connect with us

2 tauhan ng PNP, namatay dahil sa COVID-19

Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 4,932

Breaking News

2 tauhan ng PNP, namatay dahil sa COVID-19

2 pulis na ang nalagas sa Philippine National Police (PNP) matapos tamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Una nang kinumpirma ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang pagkasawi ni patient number 8 (PNP-8), isang 48 taong gulang na lalaki na nakatalaga sa Metro Manila.

Ayon sa PNP Health Service, isinugod ang nasabing pulis sa ospital noong March 19 dahil sa lagnat habang naka-duty pero kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Una nang nasawi noong March 27 si patient number 13 (PNP-13), isang 46 taong gulang na pulis na nakatalaga sa Laguna dahil sa cardiac arrest pero lumabas na positibo rin ito sa COVID-19.

Agad naman ipinaabot ng Chief PNP ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing pulis kung saan tiniyak nito ang benepisyo ng mga nasawi nilang tauhan.

Sa ngayon, 13 pulis na ang tinamaan ng COVID-19, 209 ang person under investigation (PUI) at 1,600 ang person under monitoring (PUM).

Samantala, pumalo na sa 77,776 indibidwal ang lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Sa datos ng Joint Task Force Corona Virus Shield mula March 17 hanggang April 2, mahigit 20,000 ang inaresto kung saan 3,600 rito ang sumailalim sa inquest proceedings habang mahigit 17,000 naman ang dumaan sa regular filing.

Halos 4,000 rin ang pinatawan ng multa at mahigit 53,000 ang binigyan ng babala ng mga awtoridad.

More in Breaking News

Latest News

To Top