Connect with us

20 websites na umano’y may kaugnayan sa “communist-terrorists”, binlock ng NTC

20 websites na umano’y may kaugnayan sa ‘communist-terrorists’, binlock ng NTC

National News

20 websites na umano’y may kaugnayan sa “communist-terrorists”, binlock ng NTC

Nasa 20 websites na may kaugnayan sa “communist-terrorists” ang binlock ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ay bilang tugon sa kahilingan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na i-block ang naturang mga sites noong June 6.

Kabilang sa mga na-block na websites ay ang Save Our Schools Network, Rural Missionaries of the Philippines, Pamalakaya Pilipinas at Bayan.

Kasama rin dito ang independent news organizations Bulatlat at Pinoy Weekly.

June 8 nang ipinag-utos naman ng NTC sa mga internet service providers na i-block ang nasa 20 websites.

Sa isang pahayag naman, sinabi ni acting presidential Spokesperson Martin Andanar na maaaring gumawa ng legal action ang mga binlock na websites kabilang na ang dalawang independent news organizations.

More in National News

Latest News

To Top