Connect with us

200 checkpoints, sinet-up ng PNP para labanan ang pagkalat ng COVID-19

Cagayan de Oro City

Metro News

200 checkpoints, sinet-up ng PNP para labanan ang pagkalat ng COVID-19

Nag-set-up ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 200 checkpoints sa Metro Manila at maging sa labas ng rehiyon para labanan ang pagkalat ng nakakamatay na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Acting Spokesperson Maj. Gen. Benigno Durana Jr., batay sa ulat ng command center sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 50 checkpoints ang kanilang na-established.

Sinabi ni Durana na bukod sa NCRPO, nagpatupad din ng checkpoints  ang iba pang regional police offices gaya ng CALABARZON, MIMAROPA, BICOL Region, at Central Luzon.

Samantala, itinalaga naman ang PNP-Aviation Security Group (AVSEGroup)na manguna sa border control sa mga airports.

Checkpoint at hindi road closure, ang ipatutupad sa community quarantine sa Metro Manila

Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO)Chief Maj. Gen. Debold Sinas na walang road closure at walang road blocking sa pag-iral ng community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Sinas, checkpoints lamang ang kanilang ipinapatupad sa mga borders ng rehiyon.

Sinabi ni Sinas na nasa 50 checkpoints ang na-establish ng NCRPO na minamandohan ng nasa mahigit 2,000 mga police personnel.

Katuwang ng mga pulis sa checkpoints ang mga sundalo, kinatawan mula sa Department of Health (DOH), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

More in Metro News

Latest News

To Top