National News
2,000 baboy, apektado ng ASF outbreak sa Davao City
Umabot na sa 2,000 baboy ang apektado ng .
Ito ang inihayag ni Agriculture Sec. William Dar sa panayam ng Sonshine Radio kasabay ng pagtiyak na pinaigting na ang quarantine checkpoints sa Brgy. Dominga at Brgy. Lamanan, Calinan District na apektado ng outbreak.
Kapahon nang idineklara ng Department of Agriculture Region 11 ang pagpositibo sa ASF sa mga baboy sa Davao City.
Una nang ipinagbawal ni Davao City Mayor Duterte ang pag-angkat ng mga buhay na baboy at pork-related products mula sa Davao Del Sur at Davao Occidental na apektado rin ng ASF.
Tiniyak naman ni Sec. Dar ang pagbibigay ng P5,000 ayuda sa bawat baboy na makakatay ng pamahalaan mula sa mga apektadong hog raisers.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung paano umabot sa Davao City ang ASF.
“Another investigation is coming. Kasi alam naman natin Davao City ay may airport at seaport. So tinitingnan namin ang anggulo na ‘yun,” ani Sec. Dar.
Bago ang Davao City ay una nang nagpositibo sa ASF ang mga baboy mula sa Don Marcelino, Davao Occidental na ipinagtataka ng DA kung bakit nagkaroon na liblib na lugar naman ito sa Mindanao.
“…ang nakakapagtaka ang Don Marcelino ay liblib na municipality. Tinitingnan namin… mayroong isang port doon sa Malita. Tinitingnan namin kung mayroon bang nagbababa ng food waste at ito ‘yung pinapakain sa baboy. So teorya ‘yan na isa. We are investigating. We are tracing back,” saad pa ng kalihim.
