Showbiz
2018 Miss-Intercontinental Karen Gallman, ibinahagi ang kasal
Ikinasal na ang Filipino-Australian 2018 Miss Intercontinental Beauty Queen na si Karen Gallman sa kanyang fiancé at long-time boyfriend na si Ian Garton.
Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib noong March 3, sa isang intimate wedding sa Stoneridge Estate sa Queenstown, New Zealand.
Si Karen ay tubong Bohol na isinilang sa kanyang Filipina mother na isang teacher na si Editha Boyonas at sa World War II Veteran na si Gavin Gallman, SR. na isang Australian national.
Taong 2000 nang lumipat ang pamilya ni Karen sa Melbourne, Australia at siya’y nagtapos ng Business Management Major in International Business sa University of Queensland.
Matatandaang taong 2018 nang siya’y sumali sa BB. Pilipinas at nanalo bilang BB. Pilipinas-Intercontinental.
Nang taong din iyon ay itinanghal at kinoronahan si Karen bilang 2018 Miss Intercontinental na ginanap sa Mall of Asia Arena.