News
2018 Miss Universe Catriona Gray, hinihikayat ang lahat na magprehistro para sa 2022 national elections
Hinihikayat ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang publiko na magparehistro na para sa 2022 national elections.
Ang naturang paghihikayat ng beauty queen ay bilang pakikiisa na rin nito sa pagdiriwang ng ika-123rd Anniversary ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Sa kanyang Instagram Post, sinabi nitong hindi lang dapat balikan ng mga Pilipino ang kasaysayan ng pagkakaroon ng kasarinlan ng bansa.
Bagkus, dapat ikonsidera rin ng publiko ang magiging kinabukasan nito kung kaya’t magparehistro na aniya ang publiko bago pa man ang deadline sa September 30.
Sa pamamagitan ng pag-paparehistro upang makaboto ayon kay Gray, nakikiisa na aniya ang publiko sa paglikha ng isa na namang kasaysayan ng Pilipinas.
