Showbiz
2018 Miss Universe Catriona Gray, humingi ng tulong para sa mga kababayan
HUMIHINGI ng tulong sa publiko si 2018 Miss Universe Catriona Gray para sa mga kababayan nito sa Bicol na sinalanta ng Bagyong Usman.
Ginawa ito ni Catriona sa gitna ng pagiging abala nito sa kanyang Miss Universe duties sa New York.
Sa kaniyang Instagram post, humingi ng panalangin ang pang-apat na Pinay Miss Universe.
Para sa kaniyang mga kababayan na biktima ng pagbaha at landslide na ikinasawi ng maraming katao.
Ayon sa beauty queen, tumatanggap ang Team Albay Youth Organization ng cash donations.
Tumatanggap din ito ng mga ready to eat food, tubig, kumot, at iba pang basic needs.