National News
2019 nCoV Patients Under Investigation sa Pilipinas, umabot na sa 80 – DOH
Umakyat na sa 80 ang bilang ng Patients Under Investigation (PUI) dahil sa sakit na 2019 novel-coronavirus (2019-nCoV) matapos maitala ang unang kaso ng pagkamatay nito sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, pasok sa kategorya ng parehong sintomas at travel record mula Wuhan City ang nasabing bilang.
Sinabi ng DOH na 8 dito ang nagkaroon ng close contact sa mag-partner na Chinese na unang nag-positibo sa sakit, matapos makasabay sa eroplano nang bumiyahe patungong Pilipinas.
Una rito, idineklarang patay dahil sa 2019-nCoV ang 44-anyos na lalaking Chinese noong Linggo, na siyang unang kaso ng pagkamatay dahil sa sakit sa labas ng China.
Habang nagpapagaling naman ang 38-anyos na babaeng kasintahan nito na unang idineklarang 2019-nCoV patient sa Pilipinas noong nakaraang linggo.
Mula sa 80 PUI, 67 dito ang naka-admit pa sa mga ospital, habang ang 11 ay nakauwi na.
