National News
2019 Proposed National Budget, may positive development-Lagman
“May positive development sa 2019 Proposed National Budget.”
Ito ang maikling sagot ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na dahilan kung bakit naudlot ang budget meeting ngayong araw ng kongreso.
Ayon kay Lagman, positibo ng matutuloy ang pagpasa ng pambansang pondo ngayong taon matapos ang deadlock ng Senado at Kamara dahil sa isyu ng fund insertions.
Nauna namang sinabi kahapon ni Lagman na walang binding agreement na naganap kahapon dahil wala sa meeting si Senate President Tito Sotto III.
Nauna namang kinumpirma ngayong araw ng kampo ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na si Senate President Sotto ang mag-aanunsyo sa status ng mga napagkasunduan kahapon.
Giit naman ni Lagman na agad nilang isusumite sa tanggapan ng pangulo ang naaprubahang budget proposal para malagdaan na ng pangulo bago matapos ang linggong ito.
Ulat ni: MJ Mondejar