National News
2019 proposed National Budget, target na maipasa bago matapos ang linggong ito
Bago sumapit ang Marso 29,2019 o bago ang araw ng biyernes ngayong linggo ang target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na magkaroon na ng budget ang Duterte administration ngayong taon.
Ito ang target date na sinabi ni House Appropriations Committee Chair Rep. Rolando Andaya Jr. bago magsimula ang kanilang meeting ngayong araw dito sa Senado.
Positibo si Andaya na bago ang nabanggit na petsa ay mareresolba na ang budget dahil aniya sa “friendly atmosphere” ngayon sa pagitan ng dalawang kapulungan.
Ani Andaya, ihahabol nilang maipasa ang budget dahil sa panahon ngayon ng tag-init sa Pilipinas na siyang good weather condition para sa agarang completion ng mga infrastructure projects.
Positibo din si Andaya na magkakasundo sila ngayon ng Senate contingents dahil sa mga beteranong mambabatas na kasama niya ngayon sa binuong 3 man team ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Aniya, malaki ang maitutulong ng experience nina Albay Rep. Edcel Lagman at San Juan Rommy Zamora sa pagpapaliwanag ng kanilang posisyon sa house version ng budget.
Ulat ni: MJ Mondejar