National News
2025 OVP budget, pwede pang taasan o mabawasan– Escudero
Maaari pang tumaas o mas bumaba ang inaprubahang P733M ng Kamara para sa Office of the Vice President (OFW) sa 2025.
Sa ngayon ay titingnan pa ni Senate President Francis Escudero ang naturang budget proposal.
Inaantay rin niya ang committee report ni Sen. Grace Poe na syang chairperson ng Senate Committee on Finance.
Matatandaang mula sa P2B ay nasa P733M lang ang inaprubahang budget ng Kamara para sa OVP.
Subalit hindi pa nga ito ang magiging pinal na pondo ng OVP para sa 2025 dahil isasalang pa sa bicameral committee ang naturang proposed budget.