Connect with us

21 indibidwal sa Pangasinan, arestado dahil sa price manipulation

21 indibidwal sa Pangasinan, arestado dahil sa price manipulation

COVID-19 UPDATES

21 indibidwal sa Pangasinan, arestado dahil sa price manipulation

Puspusan ngayon ang ginagawang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa ibat-ibang pampublikong pamilihan at mga grocery stores sa buong lalawigan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Natalie Dalaten OIC-Provincial Director ng DTI Pangasinan, sinabi nito na mula noong pinairal ang enhanced community quarantine at ipinatupad ang mga lock down sa ibat-ibang lugar ay nagsagawa na sila ng mga monitoring activities upang mapanatili ang presyo ng mga pangunahing produkto at para na rin walang mananamantala sa panahon ng krisis.

Ayon kay Dalaten, umabot na sa 166 ang kanilang naikasa na mga operasyon at sa nasabing bilang ay nakapagtala sila ng anim 6 na non-compliance firms sa mga establishments na lumabag sa batas.

Inihayag din ng opisyal na katuwang nila sa pagpapatupad ng monitoring ang mga law enforcement agencies kagaya ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of investigation (NBI) at Crime Investigation and Detection Group (CIDG).

Aabot naman sa 21 indibidwal ang kanilang naaresto at 14 naman ang nakasuhan ng PNP, NBI at CIDG ng mga criminal charges sa korte.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top