Connect with us

22-K tauhan ng NCRPO, ipakakalat sa Metro Manila sa ika-2 SONA ni PBBM

22-K tauhan ng NCRPO, ipakakalat sa Metro Manila sa ika-2 SONA ni PBBM

National News

22-K tauhan ng NCRPO, ipakakalat sa Metro Manila sa ika-2 SONA ni PBBM

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Jose Melencio Nartatez Jr. na aabot sa 22-K police personnel ang ipakakalat sa buong Metro Manila sa ika-2 State of the Nation (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Prayoridad dito ang paghahanda laban sa kriminalidad at mga magtatangkang guluhin ang darating na SONA ng Pangulo.

Kaugnay nito inalerto ni Nartatez ang kanilang mga tauhan laban sa mga local communist terrorist group, communist mass organizations at iba pang kahalintulad na mga organisadong grupo na maaring maging banta sa seguridad ng publiko.

Samantala, sa ngayon wala pa namang namo-monitor ang Philippine National Police (PNP) na anumang banta sa seguridad ng publiko kaugnay sa nalalapit na SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

More in National News

Latest News

To Top