Connect with us

23M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

23M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

National News

23M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

Tinatarget ng Department of Health (DOH) na makakuha ng 23 million na eligible individuals na maturukan ng first booster shot sa first 100 days ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa panayam kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, sinabi nito na kung ibi-breakdown, nasa 397, 000 ang kailangang maabot kada araw para makuha ang naturang target.

Base sa naging tala ng DOH, nasa 185,000 lamang ang average bawat araw  ang nababakunahan ng first booster.

Kaya naman puspusan ang panghihikayat ng DOH sa publiko para mapalakas pa ang booster rollout sa bansa.

Sa kabilang banda, inihayag ni Vergeire na hindi na kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna o magpapabooster shot.

Lalo’t may mga iba’t-ibang istratehiya na noon ang pamahalaan na epektibo para sa vaccination rollout.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasabay ng PinasLakas Booster Vaccination Campaign event ng DOH sa Pasig City Sports Center nitong hapon ng Agosto 1.

Ang naturang event ay dinaluhan ni Pang. Bongbong Marcos kasama si Executive Secretary Vic Rodriguez, ilang opisyal ng DOH, Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski at ilan pang local officials ng lungsod.

“Ang sadya ko po rito ngayong hapon ay napakasimple lamang. Tinitignan ko po ang kung maganda at mahusay ang patakbo ng ating booster rollout na ating ginagawa ngayon,” ani PBBM.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ang pagpapalakas ng booster rollout ay bilang paghahanda na rin sa gagawing face-to-face classes.

Gayunpaman, hindi lang mga kabataan ang hinihikayat ng pangulo na magpabooster kundi lahat na.

Binati naman ng punong ehekutibo ang city government ng Pasig dahil sa maayos na vaccination rollout.

May be an image of 7 people, people standing and indoor

The subject of the booster rollout actually came about because we were talking about the F2F classes at this coming semester. So sabi namin paghandaan na natin lahat. Ang rekomendasyon ng DOH ay sabi nila wag lang ‘yung mga bata, lahat na dapat mapabooster na natin para talaga ligtas na sila doon sa ano, ligtas na sila sa COVID or Omicron and its variants,” saad pa ng punong ehekutibo.

Muli namang binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi na magkakaroon ng lockdown dahil tiwala siyang makokontrol na ng bansa ang COVID-19 Situation.

Tiwala rin ang pangulo na maging matagumpay ang vaccination rollout sa bansa lalo na ang booster shots.

 

More in National News

Latest News

To Top