Connect with us

24-hour water interruption, hindi mararanasan sa kabila ng pagbaba water level ng Angat Dam – NWRB

Ilang probinsya sa bansa

Metro News

24-hour water interruption, hindi mararanasan sa kabila ng pagbaba water level ng Angat Dam – NWRB

Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na walang mararanasang 24 hour na water service interruption sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ito ay sa kabila ng muling pagbaba ng water level ng Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig.

Siniguro ni NWRB Executive Director Sevillo David na sapat pa at kaya pang suplayan ng Angat Dam ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Bagaman magpapatupad ng rotational water service interruption sa ilang lugar ay hindi ito aabot ng 24 hours.

Kasunod nito ay nanawagan si David sa publiko na mag-imbak lamang ng sapat na suplay ng tubig gayung hindi naman isang buong araw ang interruption.

More in Metro News

Latest News

To Top